Kayang lutasin ng isang malikhaing isip ang anumang pala-isipan o problema. Maging ito man ay sa arkitektura, musika, anumang sining, o trabaho. Pero isa lang itong malikmata ng malikhain. Hindi niya alam ang pinanggagalingan nito. Hindi rin nya alam kung kelan ito darating. Nakakabalisa pero nakakatuwa. Nakakaligalig pero nakakapag bigay ng katuparan.
Kaya naman napagtanto ng malikhain na gumugol ng madaming pagkakataon sa paglutas ng mga bagay. Di man nya alam kung kelan darating o saan ito nanggagaling, alam nyang may ibubunga ang bawat kumpas ng panahong inilaan.
Malikmata lang pala ito. Ang dibuho ng solusyon ay oras.